Thursday, March 19, 2020

My 10 everyday to-dos for 2020






Family time, before end 2019


Love in the Time of Coronavirus, 2



For the first time in a long time, magkakasama kaming buong pamilya nang matagal-tagal. That is a gift. Kahit noong Pasko, oras lang ang magkakasama kami kasi may pasok si kuya. We tried to extend that time together by taking him to work before his shift began at 12 midnight.

Kaya notoriously praning me was chill. Nag regular grocery kami (madaming nabili ng tissue at alcohol). Meron pa kaming sabon kaya di naman kami bumili ng cleaning items.

Chill lang. Sarap kasama ng mga anak ko.

Those of us who are so privileged (oo, privilege ang makapagtrabaho at sumweldo habang kumakalat ang epidemya) can take the time to rethink our lifestyles, especially the drink-drink-drink, gobble-gobble-gobble, and buy-buy-buy mindset.

Despite Greta Thunberg’s successful campaign against the climate crisis, its impact was nothing to the coronavirus’s. How many tons of carbon did we (as humanity) not release to the atmosphere because of China’s manufacturing and transport slowdown alone?

Modern living (on-demand electricity, water, food) is again, a privilege in our lupang hinirang. But they all cost something to Mother Nature. (Tinatawag natin siyang nanay, pero kung abusuhin natin, parang hindi).

Dating-dati pa, tinanong ako ni Tyago, why is our excretory organ so close to our reproductive organ?

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin ang tanong niya. Inisip at hinahanap ko pa rin ang sagot. Isang insight lang sa pagmumuni-muni: We view our waste (fecal waste especially) with disgust when its release only means we’re healthy.

Moving our bowels is a must. So in my new year’s daily list of 10 to-dos, it is number one.

The list, which is essentially about being a healthy human, includes: 

2. Exercise (I try to do yoga via YouTube which allows me to stretch, breathe, focus). 
3. Drink at least 8 glasses of water. 
4. Sleep at least 8 hours a day. 
5. Eat on time. 
6. Appreciate art (music or poetry or fiction). 
7. Do one household chore (Fixing everybody’s bed is automatic to me now). 
8. Re-connect to a dear one (sister, mother, old friend). 
9. Learn something new (Signed up to an online Data Science course na dalawang buwan ko na atang di nababalikan). 
10. Write something for myself (Ngayon lang nangyari 'to 75 days into 2020, wee hours of March 16).





Tuesday, March 17, 2020

Magaling ang Pinoy, Palpak ang Pinuno



Pag-ibig sa Panahon ng Coronavirus, 1




May mga nagpapakalat na buset daw ang mamamayang Pilipino.

Mas buset ang liderato, o ang kakulangan nito.

Wala pa namang isang siglo ang ating self-governance so siguro nga nasa trial-and-error stage pa tayo. Di pa natin alam paano papanagutin ang kinauukulan.

Pero kaya tayo nandito sa kalugmok-lugmok na sitwasyong ito, leadership talaga ang kulang sa Pilipinas.

Ang argumento ko lang, ito: Pag nasa labas ng Pinas,

1. Sumusunod sa batas ang Pilipino. Bakit?

Kasi, alam niya na ipinapatupad ang batas nang patas. Walang anting-anting na ID o calling card ang mga gustong exempted sa batas.  

Kasi, malinaw rin ang “bakit” ng batas. Halimbawa, bawal tumawid sa highway kasi malamang na masagasaan ka ng mabibilis na mga sasakyan.

Kasi, merong doable na alternatibo sa mga nilalayon mong gawin. Halimbawa, may ligtas at maayos na tawiran.

2. Umuunlad. Bakit? Kasi, alam niya na may karampatang balik ang pagod. Dito pagod din ang sukli.

Sino po ang nagpapatupad ng batas? Ang nasa kapangyarihan. Ang liderato.

Sabi nila, ang bata, sinusundan ang ginagawa, hindi ang sinasabi, ng matanda.

Kaya pag sinasabi ng may kapangyarihan na kailangan ng disiplina ng Pilipino, sinasabi ko sa kanila. Sabihin mo yan sa salamin.

Kasi ang liderato ang dapat may disiplina sa sariling ipatupad ang batas.

Kung yung batas niyo na kayo ang nagpapatupad ang unang lalabag, kung kayo mismo exempted sa batas, sino’ng maniniwala sa inyo? Sino’ng susunod?

Kung ano ang puno, siyang bunga. Kayong nasa liderato ang puno, ang mamamayan ang bunga.

Kaya ang panawagan ko: Disiplina sa mga namumuno.  



10 essential lessons in political communication

Number one: All politics is personal.   In the 1960s, when women were burning bras and feminism (or the idea that women are equal to men) wa...