Tuesday, March 17, 2020

Magaling ang Pinoy, Palpak ang Pinuno



Pag-ibig sa Panahon ng Coronavirus, 1




May mga nagpapakalat na buset daw ang mamamayang Pilipino.

Mas buset ang liderato, o ang kakulangan nito.

Wala pa namang isang siglo ang ating self-governance so siguro nga nasa trial-and-error stage pa tayo. Di pa natin alam paano papanagutin ang kinauukulan.

Pero kaya tayo nandito sa kalugmok-lugmok na sitwasyong ito, leadership talaga ang kulang sa Pilipinas.

Ang argumento ko lang, ito: Pag nasa labas ng Pinas,

1. Sumusunod sa batas ang Pilipino. Bakit?

Kasi, alam niya na ipinapatupad ang batas nang patas. Walang anting-anting na ID o calling card ang mga gustong exempted sa batas.  

Kasi, malinaw rin ang “bakit” ng batas. Halimbawa, bawal tumawid sa highway kasi malamang na masagasaan ka ng mabibilis na mga sasakyan.

Kasi, merong doable na alternatibo sa mga nilalayon mong gawin. Halimbawa, may ligtas at maayos na tawiran.

2. Umuunlad. Bakit? Kasi, alam niya na may karampatang balik ang pagod. Dito pagod din ang sukli.

Sino po ang nagpapatupad ng batas? Ang nasa kapangyarihan. Ang liderato.

Sabi nila, ang bata, sinusundan ang ginagawa, hindi ang sinasabi, ng matanda.

Kaya pag sinasabi ng may kapangyarihan na kailangan ng disiplina ng Pilipino, sinasabi ko sa kanila. Sabihin mo yan sa salamin.

Kasi ang liderato ang dapat may disiplina sa sariling ipatupad ang batas.

Kung yung batas niyo na kayo ang nagpapatupad ang unang lalabag, kung kayo mismo exempted sa batas, sino’ng maniniwala sa inyo? Sino’ng susunod?

Kung ano ang puno, siyang bunga. Kayong nasa liderato ang puno, ang mamamayan ang bunga.

Kaya ang panawagan ko: Disiplina sa mga namumuno.  



No comments:

10 essential lessons in political communication

Number one: All politics is personal.   In the 1960s, when women were burning bras and feminism (or the idea that women are equal to men) wa...